Nakaka-lungkot naman ... wala ako maka-usap tungkol sa mga ito ... dahil lahat ng nakapaligid sa akin ay walang alam sa old school anime ... *sigh
Lahat ng nakaka-alam nito (a.k.a. PS Boys ng Magic Kingdom) ay di ko na rin maka-usap dahil iba-iba ang oras namin. (Dubai-time ako, USA time sila).
Matagal ko na hawak ang MAISON IKOKKU live-action. Marami ako opinion, wala ako kausap. Wala nang nakakakilala kung ano ang Maison Ikokku. Naaalala ko noong unang panahon, ito ang Chobits namin. Walang robot, walang rekado. Just good old romantic comedy na inabot ng daan-daang episodes (exagerated). Ano ba ang ie-expect mo kay Rumiko Takahashi?
Syempre, yung live-action ng GRAVE OF THE FIREFLIES. Ako lang ang um-enjoy at umiyak. Sayang. Nanako Matsushima pa naman yun.
Ngayon, binisita ko ang page ni Kamenashi Jin sa
wiki.d-addicts at nakita ko ang pinaka-current niya tina-trabaho. Napatili ako sa excitement (sa sobrang excitement napa-blog ako diba?), dahil ang nabasa ko ay
1 POUND NO FUKUIN or
ni in nglish, ONE POUND GOSPEL. Hindi ko makita na si KameJin ang Hatanaka. Malaki kasi katawan sa anime ... lamunero kasi. Pero maganda ang Sister Angela. Interesante...
Kamusta na kaya ang mga VHS collection ni Dennis?