ULIT! Iba po ito sa GALAXY EXPRESS RAILWAYS (1996). Ito po yung movies na lumabas late 70s and early 80s ... H'wag po natin pag-palit-palitin ... (for more info ...
eto wiki page niya ... )
Pasensya na sa intro ko ... may naka-away na ako tungkol dito. Isang araw, nag-kwento ako na isa sa mga pinakamagandang anime ay ang GALAXY EXPRESS 999 ni Leiji Matsumoto (gumawa din ng Captain Harlock, Space Battle Yamato at Queen Emeraldas [*bows to Queen]). Pero, eto ka ... bumalik sya sa kin mga ilang linggo naka-lipas at sinabi niya, "ay Dek, napanood mo na ba yung Galaxy Express? Ang ganda pala ng kuwento nun!." Alam ko na na hindi 999 ang sinasabi niya, dahil ang access niya lang sa anime ay Animax, at ida-download niya lang yung natipuhan nya'ng anime dun. So nilinaw ko, "Galaxy Express Railways? o yung Galaxy Express 999?" umasa kasi ako na nakinig siya sa kwento ko. Syempre sinagot niya "isn't it the same?" O gawd! People! Do not follow this person's steps! They're *NOT the same! Hindi sila pareho! My brother is not a pig! Hindi siya baboy!
Okay ... pagkaka-mali ko nag-init agad ulo ko at hindi ko in-explain yung kagandahan ng 999 at bakit after 17 years ay nagkaroon na ng mga kapatid si 999 at naging RAILWAYS na siya. Tanggap ko na pag-kakamali ko. So sorry na lang po. Kung kilala mo sarili mo, subukan mo i-download ang 999 at panoorin iyun. Isa siya sa eternally socially relevant anime na napanood ko ... dahil ito ay tungkol (as any Space Opera and Cyber/Steampunk SF goes) sa individuality, freedom at liberty.
HINDI po ito ang dahilan kung bakit ako napa-blog na naman bigla tungkol sa anime. Mukhang lately napapadalas ang blog ko ... at lahat wala siya kinalaman sa buhay ko kundi sa mga impluwensya ng panunulat ko.
Dahil sa AKIHABARA@DEEP, bigla ko naalala si Tetsuro at si Maetel. Si Maetel ay isa sa pangarap ko ma-cosplay. At isang araw, gugulatin ko na lang kayo. So naghanap ako ng pictures niya online. At napadpad ako siyempre sa Wiki site ng 999.
At dun ko nalaman na may 3RD MOVIE PALA SYA! Azuzginoo! Eto ang napapala ng hindi kumakausap ng old timers. Hindi ko tuloy nalaman na may part 3 pa pala ang 999 ... Then again, marami ang hindi nagustuhan ang kinalabasan ng ADIEU GALAXY EXPRESS 999 ... sa akin ang Adieu 999 ay average lang ... hindi ko siya ilalagay sa pedestal mag-isa tulad ng tatay niya ...
So ngayon, paano ko malalaman kung hindi rin pala maganda ang GALAXY EXPRESS 999: ETERNAL FANTASY? Meron ba makakasagot sa tanong ko? Sagutin niyo naman oh?
Dina-download ko na siya ngayon, at naka-cross na fingers ko na sana matapos siya agad. Saka ko na aatupagin ang MAETEL LEGENDS at SPACE SYMPHONY MAETEL. Kapag may sumagto na ng tanong ko ... or kung magustuhan ko nag Eternal Fantasy.
Pero hindi ... kukunin ko parin ang Maetel Legends just because nandun ang history ni Queen Emeraldas ...