Napanood niyo na ba ang
SPEED RACER? Ako hindi pa. Pero kita naman sa mga kalat-kalat na mga tarps at sari-saring chuva-ek-ek, si
RAIN ng Korea, ay may malaking role sa Speed Racer. In fact, nag-guest pa yang si Rain sa show ni
STEPHEN COLBERT na
THE COLBERT REPORT at nag-sayaw-sayaw siya dun. Ngayon, shinu-shoot na ang
NINJA ASSASIN. Si Rain din bida,
WACHOWSKI BROTHERS ulit.
Si
GACKT CAMUI ng Japan naman lalabas sa
BUNRAKU na ipapalabas sa 2009. Naglipana na sa internet ang pictures ni Gackt kasama si
JOSH HARTNET. Pwera pa kay Josh Hartnet, kasama niya sa cast si
DEMI MOORE, WOODY HARRELSON, RON PERLMAN at kung sino pa. Kung na-criticize si Rain sa pag-ganap niya sa Speed Racer, at base sa
MOONCHILD ni Gackt, tingin ko dadaan din sa matinding butas ng karayom ang isang ito.
Older news, si
SE7EN naman ng Korea ay nakikipag-negotiate sa isang American cable TV show. Ok sa akin si Se7en. Sana ok din ang kalabasan niya sa USA.
May mga kumalat din na balita na ang
TVXQ (a.k.a.
DBSK) at si
BOA ay lilipad na rin sa U.S.A. para dun mag-trabaho. Pero na-confirm na malayo pa ito'ng mangyari. Hindi pa daw handa ang mga bata.
Alam ko marami ang nakaka-intindi sa akin, bakit ako nag-aaksaya ng panahon -- sa pagitan ng pagda-download ng mga imahe na kailangan sa presentation at pagbabasa ng
VIDEO GIRL AI online -- sa pag-blog ng mga balita na ito.
Pero, dahil sa tagal ko na may kausap ako tungkol sa mga ito (mula 1997), nalimutan ko na ang karamihan sa populasyon ng mundo, hindi kilala ang mga tao na pinagbababanggit ko. At higit sa lahat wala sila paki-alam. Sa kanila, mas gwapo ba si Rain kaysa kay Richard Guittierez? Kahit ako ay tatanggi dun, pero aminin na natin, Rain really is a bigger star.
Marami'ng mga tao ang nag-aakala ang mga tulad ko -- na mas malapit na sinusundan ang mg artista sa ibang asiano'ng bansa -- ay natatangi at walang katulad. Kahit nakaka-flatter pakinggan, sa totoo, ibig sabihin nun ako lang ang kilala nila'ng weirdo. Pero hindi naman ka-weirduhan ito. Hindi lang sila makapaniwala na sa bawat bansa may komyunidad na katulad ko. Hindi ako nag-iisa, mga kaibigan. Mag-google kayo at makikita niyo na karamihan sa unofficial fansites ng mga Japanese, Korean at Chinese celebrity ay gawa ng hindi nila kababayan.
Humahaba na ang blog na ito ... so mag-promote na lang muna ako ng pelikula ko :
Ang
RED CLIFF ay malapit na lumabas. Starring me -
VICKY ZHOU,
TAKESHI KANESHIRO and
TONY LEUNG CHIU WAI. Ihahabol daw sa Cannes Film Fest. Sana nga makahabol. Ito ay idinirehe ni
JOHN WOO.
Kanina naman sa Megamall, nakita ko na ang tarp ng
WARLORDS so malapit na ito ipalabas sa Pinas. Nung nasa Macau kami nung December, yun ang biggest movie nila. Starring TakeshI Kaneshiro,
ANDY LAU at
JET LI. Siyempre sa promotion dito si Jet Li lang ang binanggit.
Minsan tuloy iniisip ko, hindi ba sumisikat ang mga artistang ito sa bansa natin dahil hindi sila pinakikilala? O dahil walang paki-alam ang masang Pilipino kung sino sila?
Pakisagot naman oh.
ACKNOWLEDGEMENT:
Asia Fanatics site para sa lahat ng balita.